Ginang natagpuang patay sa restobar sa Maynila.

Ginang natagpuang patay sa restobar sa Maynila.

August 1, 2020 @ 3:11 PM 3 days ago

Share

Manila, Philippines – Isang babae ang natagpuang patay sa loob ng isang restobar sa Sampaloc, Maynila kagabi

Sa inisyal na ulat ng Manila Police District, kinilala ang biktima na si Saturnina Sales Garcia.

Natagpuang patay si Garcia sa ikalawang palapag ng Eight Cabin Restobar na matatagpuan sa España Blvd., kanto ng Cristobal St. Sampaloc, Maynila.

Si Cenen Montano, caretaker ng restobar, ang nakatagpo sa ginang na patay na at agad niya itong ini-report sa pulisya at ipinagbigay- alam sa may-ari ng establisyimento.

Hindi sinabi sa report kung customer o nagtatrabaho sa nasabing bar ang biktima.

Wala ring sinasabi sa ulat kung ano ang ikinamatay ng biktima o kung siya ba ay pinatay.

Isinusulat ito, patuloy ang imbestigasyon sa insidente. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Share

Comment (1)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Loading...