Ginang nilamon ng lupa, patay!

Ginang nilamon ng lupa, patay!

July 11, 2022 @ 9:33 AM 1 month ago


ABUCAY, Bataan- NALIBING nang buhay ang isang ginang matapos matabunan ng lupa ang kanilang bahay sa naganap na landslide bunsod na malakas na buhos ng ulan.

Kinilalang biktimang si Roselyn Dela Cruz Española, 27, caretaker ng isang resort, may-asawa at residente ng Sitio Hacienda, Barangay Gabon, Abucay, Bataan.

Batay sa report ng Abucay Police Station, dakong 8:00 AM ng Sabado nahukay ang bangkay ng biktima sa nasabing lugar.

Kwento ng ama ni Roselyn na si Ramy, Biyernes ng gabi walang patid ang malakas na buhos ng ulan at kinaumagahan ng Sabado binisita niya ang kanyang anak sa bahay.

Dito, bumulaga na lamang sa kanyang harapan ang bahay ng anak na natabunan na ng lupa kaya agad siyang humingi ng tulong sa mga awtoridad.

Swerte naman nakaligtas ang dalawang anak na menor de edad ni Roselyn.

Sa tulong ng pulisya ang miyembro ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Council (MDRRMC) Abucay, ay nahukay ang bangkay ng biktima at agad dinala sa punerarya habang dalawang pang sasakyan natabunan ng lupa./Mary Anne Sapico