Ginang patay sa boga ng adik na mister

Ginang patay sa boga ng adik na mister

February 17, 2023 @ 11:33 AM 1 month ago


TALISAY CITY, Bacolod- Hindi inakala ng isang ginang na huling hapunan na nito matapos silang barilin sa mukha ng kanyang mister habang kumakain ng hapunan, kagabi sa lungsod na ito.

Kinilala ang biktimang si Jean Camonias, 40-anyos habang nadakip naman ang suspek na kinilalang si Jacinto Camonias, 49-anyos, kapwa residente sa Purok Rosal 1, Barangay Zone 10, Talisay City.,

Batay sa report ng Talisay City Municipal Police Station, naganap ang krimen sa loob ng bahay ng mag-asawang Camonias.

Kwento ng anak na si Rodmar Camonias, 16, kumakain ang kanyang ina sala ng kanilang bahay ng bigla na lamang barilin ng kanyang ama sa mukha gamit ang homemade shotgun.

Nagawa naman isugod sa ospital ang biktima subalit idineklara na rin itong patay ng umatending doktor habang nadakip naman ang suspek ng mga rumespondeng pulis.

Kwento ng kaanak, madalas nag-aaway ang mag-asawa at nauwi sa sakitan dahil umano sa burial benefits ng namayapang ama ng suspek.

Sinabi pa ng anak na gumagamit ng iligal na droga ang kanilang ama ay may kaso na rin itong pagpatay.

Nakakulong ngayon sa lock-up cell ang suspek at nahaharap sa kasong homicide sa ilalim ng Article 9262 o Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004. Mary Anne Sapico