Ginang patay sa gilit ng live-in partner

Ginang patay sa gilit ng live-in partner

November 9, 2022 @ 2:48 PM 4 weeks ago


DAGUPAN CITY —Mistulang manok na kinatay ang isang ginang matapos gilitan sa leeg ng galit-galit na kinakasama, iniulat nitong Martes, Nobyembre 8 sa bayan ng Lingayen.

Kinilala ang biktimang si Jennifer Ingalla, 45-anyos habang nadakip naman ang suspek at live-in partner na si Robert Rod Navarro, 42-anyos, kapwa residente sa Sitio Guesang, Brgy. Domalandan West, sa bayan ng Lingayen, Pangasinan.

Ayon kay PMaj. Ria Tacderan, tagapagsalita ng Pangasinan Police Provincial Office (PPO), umuwing lango sa alak ang suspek na naging dahilan ng pagtatalo nila ni Ingalla.

Sa galit ng suspek kumuha ito ng kutsilyo na may habang 8 pulgada at ginilitan sa leeg ang biktima hindi pa ito nakuntento at pinagsasaksak pa niya sa iba’t ibang parte ng katawan.

Nakahingi naman ng tulong sa awtoridad ang mga kapitbahay ng maglive-in partner na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek at nakuha sa kanya ang kutsilyo na ginamit sa krimen.

Isinugod naman sa Lingayen District Hospital ang biktima subalit dineklara na rin itong patay ng umatending doctor.

Nakakulong ngayon sa lock-up cell ng Lingayen-PNP ang suspek at nahaharap sa kasong murder. Mary Anne Sapico