Ginang patay sa nasunog na kusina

Ginang patay sa nasunog na kusina

December 14, 2022 @ 1:49 PM 2 months ago


CAGAYAN DE ORO CITY – Sa sobrang takot na naramdaman ng isang ginang inatake ito sa kanyang sakit ng sumiklab ang apoy sa kusina nito matapos umanong makalimutan ang kanyang niluluto, iniulat kaninang umaga, Disyembre 14 sa lungsod na ito.

Binawian ng buhay habang ginagamot sa J.R. Borja Memorial City Hospital Cagayan de Oro City ang biktimang si Nenita Sandigan Avanceña, 51-anyos at residente sa Sitio Buena Oro, Brgy Macasandig sa nasabing lungsod.

Kwento ng kapitbahay ng biktima, posibleng nakalimutan ng biktima ang kanyang niluluto at nagulat na lamang siya nagliliyab na ang kusina dahilan para atakihin ito sa kanyang sakit.

Agad naman humingi ng tulong mga kapitbahay sa mga awtoridad at isinugod sa ospital ang biktima subalit nalagutan na rin ito ng hininga habang ginagamot.

Ayon kay BFP-Nazareth Station commander SFO4 Erlin Fulido, tinatayang nasa P32,000 ang danyos sa nasabing sunog na agad naman naapula. Mary Anne Sapico