Ginang sa Ilocos Sur, tinamaan ng ligaw na bala

Ginang sa Ilocos Sur, tinamaan ng ligaw na bala

January 1, 2022 @ 9:08 AM 7 months ago


Ilocos Sur – Tinamaan ang 50-anyos na ginang ng ligaw na bala kung kaya’t sinalubong nito ang Bagong Taon sa Ospital sa Brgy. Paratong, Sinait, Ilocos Sur.

Kinilala ang biktimang si Elsa  Guerrero y Macugay, may asawa, residente ng naturang lugar.

Sa inisyal na imbestigasyon, nanood ng TV ang biktima sa loob ng kanilang bahay nang biglang tamaan ng ligaw na bala.

Ang biktima ay agad na dinala sa Corpuz Clinic and Hospital sa naturang bayan matapos ang insidente.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng Sinait Police para tuklasin kung sino ang nagpapuputok ng baril para masampahan ng kaukulang kaso. Rolando S. Gamoso