Ginang timbog sa P3.4M droga

Ginang timbog sa P3.4M droga

June 26, 2022 @ 2:35 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Arestado sa ikinasang Joint Operations ng Southern Luzon police operatives at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang drug personality na nasamsaman ng P3,440,800 halaga ng shabu.

Ikinasa ang drug sting operation sa Naga City na ikinaaresto ng suspek na kinilala ni PLTGen Vicente Danao na si Cherylle Eleria, 46, residente ng Brgy. Bagumbayan Norte, Naga City.

Nakumpiska sa nasabing operasyon ang tatlong heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu at isang plastic bag na naglalaman ng hinihinalang shabu, lahat ay tumitimbang ng humigit-kumulang 506 gramo na may tinatayang DDB value na P3,440,800.00, isang genuine na P500.00 bill bukod pa sa ilang piraso ng boodle money na ginamit bilang buy-bust money at isang unit na cellular phone.

Inihahanda na ang kasong kriminal para sa Paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002) laban sa nasabing drug suspect. RNT