Ginebra hindi papatalo sa guest team Bay Dragons

Ginebra hindi papatalo sa guest team Bay Dragons

December 26, 2022 @ 1:03 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Aminado ang Barangay Ginebra na mabigat na responsibilidad ang nakaatang sa kanilang balikat sa pagharap nila kontra sa Bay Area Dragons sa PBA Commissioners Cup Finals .

Ayon sa Ginebra hindi nila hahayaang isang foreign team ang magkakampeon sa kanilang teritoryo kaya hindi sila papayag na matalo sa Dragons at pipilitin nilang makuha ang kampeonato sa PBA.

Sa Game one  ng best-of-7 Finals na ginanap nitong Pasko, nasungkit  ng Barangay Ginebra ang unang panalo kontra Dragons, 96-81 na ginanap sa SM Mall of Asia Arena.

Nanguna sa panalo si Justin Brownlee na kumamad ng 28 points, 13 rebounds habang mayroong conference high points na 22 si LA Tenorio.

Lamang pa ang Dragons 34-26 sa second quarter hanggang tuluyang nahabol ito ng Ginebra.

Ayon kay  Ginebra coach Tim Cone,  isang magandang karanasan ang maglaro sa harap ng mahigit 18,000 na fans lalo na ngayong Christmas.

Gaganapin naman ang Game 2 sa Disyembre 28 sa Smart-Araneta Coliseum.JC