Ginebra nagpalakas ng lineup; Chan itinapon sa NorthPort

Ginebra nagpalakas ng lineup; Chan itinapon sa NorthPort

September 20, 2022 @ 1:00 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Pinalakas ng Barangay Ginebra ang kanilang lineup sa pagkuha kina high-flying forward Jamie Malonzo at shooter Von Pessumal sa isang three-way trade sa NorthPort at San Miguel.

Ang kasunduan — na inaprubahan ng PBA — ay nakitang ipinalit ng Ginebra sina Arvin Tolentino at big man Prince Caperal kasama ang unang round pick nito para sa 48th season kay Malonzo, ang No. 2 pick ng 2020 Draft na kamakailan lang ay naglaro sa Gilas Pilipinas.

Samantala, ang San Miguel ang nagsilbing conduit ng Ginebra para makuha ang Pessumal mula sa NorthPort.

Ipinadala ng Batang Pier ang kanilang 2024 at 2025 second round pick sa Beermen para sa sweet-shooting na si Pessumal, na ipinadala ng NorthPort sa Ginebra kapalit ng beteranong gunner na si Jeff Chan at role player na si Kent Salado.

Sa deal, pinalakas ng Gin Kings ang offensive firepower kung saan posibleng pumasok si Malonzo para sa isang tumatandang Stanley Pringle at Pessumal na pumalit sa sniping chores mula kay Chan.JC