Ginebra, pasok na sa finals!

Ginebra, pasok na sa finals!

July 24, 2018 @ 10:13 AM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Nakalusot ang kuponan ng Barangay Ginebra San Miguel sa laban sa Rain or Shine kahapon (July 23) sa iskor na 96-94 sa Game 4 ng kanilang best-of-five semifinals series kung kaya’t pasok na nagdala sa kanila sa finals para sa 2018 PBA Commissioner’s Cup.

Pinangunahan nina Greg Slaughter at LA Joe Devance ang Ginebra sa puntos na 19 bawat isa, pinagsamang siyam na assist at walong rebounds.

Dinagdagan pa nina LA Tenorio at Justin Brownlee ng 16 at 12 points kasama pa ang imports na nakapagtala ng 17 rebounds at walong assist.

Si Scottie Thompson naman ay nakapagtala ng 10 rebounds, three steals, at isang assist.

Nangunguna ang Elasto Painters sa huling dalawang minuto ng laban nang bawiin ni Tenorio ang iskor para manguna ang Gin Kings, 91-90, sa natitirang 2:08 minuto.

Panalo ang Ginebra sa iskor na 96-94 at pasok na sa finals para sa 2018 PBA Commissioner’s Cup.

Kasunod nito, ang Elasto Painters naman ay mayroon pang tatlong araw para paghandaan ang laban sa kuponan ng San Miguel Beermen. Maghaharap ang dalawang kuponan sa Game 1 ng finals sa Friday alas-7 ng gabi sa Araneta Coliseum. (Remate News Team)