Ginebra, RoS wagi

Ginebra, RoS wagi

October 19, 2020 @ 3:33 AM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

PAMPANGA – Napanatili ng Barangay Ginebra San Miguel ang kanilang malinis na record sa PBA Philippine Cup matapos durugin ang Meralco Bolts, 105-91, sa ginaganap na elimination round sa Clark, Pampanga.

Tinambakan ng Ginebra ang Bolts ng 24 points sa final frame, 94-70, matapos ibuslo ni Prince Caperal ang isang two points sa tiyempong 6:02, na nagbigay sa Ginebra ng sapat na kalamagan para maitipa ang ikatlong panalo sa PBA bubble.

Sa first period naitabla ng Meralco ang laban sa 20 points, pero kumana ng 31 points sa second quarter ang GinKings para makuha ang kalamangan sa first half, 51-39.

Kumamada si Japeth Aguilar ng 20 points at four boards para sa Ginebra, habang si Stanley Pringle ay may isinalpak na 16 points at 7 rebounds.

Haharapin naman ng Ginebra, may 3-0 kartada, ang Phoenix  habang sasagupain ng Bolts ang Magnolia sa Martes.

Sa unang laro, nalusutan ng Rain or Shine ang kulelat na NorthPort Batang Pier, 70-68, upang mapalawig sa tatlo ang kanilang sunod-sunod na panalo.

Naitala ng Batang Pier ang nakahihiyang dalawang puntos lang sa 3rd quarter habang ang E-Painters ay may 14 points.

Nanguna sa panalo ng RoS si rookie Adrian Wong na may 15 markers.

Umiskor naman sina Sean Anthony, Christian Standhardinger at Garvo ng tig-13 points para sa naging pagkatalo ng NorthPort.

Hawak ng RoS ang record na 3-0 samantalang ang NorthPort ay nabaon sa 0-3.

Haharapin ng Elasto Painters ang Alaska sa Thursday habang susubukan ng NorthPort na makabawi kontra sa NLEX sa Miyerkoles. Rico Navarro


  •  
  •  
  •  

Loading...