Ginebra rumesbak sa Bolts

Ginebra rumesbak sa Bolts

April 9, 2022 @ 6:40 AM 3 months ago


MANILA,Philippines, – Tinalo ng Barangay Ginebra ang Meralco Bolts, 99-93, sa Game 2 ng kanilang Governor’s Cup best-of-seven Finals series para maitabla ang serye sa  1-1.

Nilusob ng aabot sa mahigit 12,248 fans ang nanood ng second game na ginanap sa MOA Arena.

Nanguna sa panalo ng  Gin Kings ang kanilang import na si Justin Brownlee na nagtala ng 36 points at 13 rebounds.

Tumulong din si Scottie Thompson ng  16 points, 12 rebounds at may 12 points, 11 rebounds naman si Christian Standhardinger, 13 points ang nagawa naman ni LA Tenorio at 10 points kay Nards Pinto.

Nawalang saysay naman ang itinarak na 31 points at 13 rebounds ni Tony Bishop at ang 24 points career high ni Aaron Black.Rico Navarro