Ginebra, semis na matapos talunin ang Bolts

Ginebra, semis na matapos talunin ang Bolts

July 11, 2018 @ 7:04 PM 5 years ago


PBA – Abante na sa PBA Commissioner’s Cup semifinals ang Barangay Ginebra matapos nitong ilampaso ang Meralco Bolts sa quarterfinals kanina sa iskor na 104-90.

Nanguna si Justin Brownlee na umiskor ng 36 para makapagtala ang Gin Kings ng dalawang magkasunod na panalo sa best-of-three quarterfinals sa Araneta Coliseum.

“We were able to come out and throw our punch in the third quarter,”oahayag ni coach Tim Cone sa naging dikit na laban sa una (24-28) at ikalawang (56-51) quarter.

Bagama’t bigo, sinubukan din naman ni Arinze Onuaku ng Bolts na paliparin ang kanilang iskor sa 21 points at 13 rebounds na sinegunduhan naman nina Newsome 17 points at Amer 11 points. (Remate News Team)

BOX SCORES:

GINEBRA 104 – Brownlee 36, Slaughter 14, Tenorio 11, Aguilar 10, Mercado 9, Devance 8, Thompson 4, Ferrer 2, Caguioa 2, Mariano 0, Manuel 0.

MERALCO 90 – Onuaku 21, Newsome 17, Amer 11, Hugnatan 10, Caram 6, Dillinger 6, De Ocampo 6, Hodge 6, Lanete 3, Baracael 2, Canaleta 2, Ballesteros 0, Bono 0, Salva 0.

QUARTER SCORES: 24-28; 56-51; 79-65; 104-90.