Ginebra silat sa Bolts; laro nauwi sa gulo

Ginebra silat sa Bolts; laro nauwi sa gulo

April 6, 2022 @ 9:07 PM 3 months ago


MANILA, Philippines – Nagkagulo ang Game 1 ng PBA Governors Cup Finals nang muntik nang magkasapakan dahil sa mainit na sagutan sina Arvin Tolentino at Raymar Jose sa hallway patungo sa locker rooms ng Smart Araneta Coliseum.

Nagkagulo sina Jose at Tolentino sa pagtatapos ng laro ng 104-91 panalo ng Meralco laban sa Barangay Ginebra, isang insidente na halatang umabot sa labas ng court nang magtungo ang dalawang koponan sa kani-kanilang mga dugout.

Nauna si Tolentino sa buong koponan ng Ginebra at naghintay sa labas ng dugout ng Kings para umano hintayin si Jose.

Nang sa wakas ay magkaharap ang dalawa ay nagpalitan ng mainit na salita, kaya nagkipag-away na si Tolentino.

Buti na lang at pumasok ang malalamig ang ulo upang awatin ang dalawang batang manlalaro.Rico Navarro