GINEBRA VS DRAGONS NAUWI SA GAME 7

GINEBRA VS DRAGONS NAUWI SA GAME 7

January 11, 2023 @ 8:38 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Nagbalik si Myles Powell sa kanyang ballclub para buhatin ang Bay Area Dragons sa panalo kontra Barangay Ginebra sa  iskor na 87-84 at mapwersa ang Game 7 sa larong ginanap  sa Smart-Araneta Coliseum.

Dahil sa panalo gagawin ang do-or-die Game 7 ng 2022 PBA Commissioner’s Cup finals series sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Nagtapos si Powell na may 29 puntos isang araw lamang matapos siyang ma-reactivate bilang kapalit ni Andrew Nicholson dahil sa injury.

Sa kabayanihan ni Powell, nakaligtas ang Dragons nakahinga pa para sa isang laro na gaganapin sa Philippine Arena.

Umiskor ng lay-up ang import ng Bay Area sa natitirang 2:35 para dalhin ang kalamangan ng Dragons sa 85-84.

Gayunpaman, ang Ginebra ay hindi nakasagot sa kanilang malamig na shooting sa kahabaan, at sinamantala ng Bay Area na si Powell na nagpako ng mga kritikal na free throws sa dulo sa harap ng 22,361 na mga tagahanga sa Big Dome.

Si Powell ay nanatiling walang talo sa kanyang siyam na laro bilang import ng Bay Area, na nakabalik matapos magtamo ng injury sa paa na nag-sideline sa kanya sa buong playoffs hanggang sa Game Six.RCN