Ginebra wagi vs Dragons sa Game 3

Ginebra wagi vs Dragons sa Game 3

January 4, 2023 @ 8:54 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Kuminang sina a Jamie Malonzo at Scottie Thompson sa huling yugto ng laro sa panalo ng Barangay Ginebra kontra kontra Bay Area Dragons, 89-82 sa Game 3 ng Philippine Basketball Association (PBA) Commissioner’s Cup best-of-seven finals na ginanap sa SM Mall of Asia Arena para sagpangin ang 2-1 na pangunguna.

Binasag ni Thompson ang 79-79 na deadlock sa pamamagitan ng isang putback laban sa import ng Bay Area na si Andrew Nicholson bago magsalpak si Malonzo ng krusyal na tres sa nalalabing 50.6 segundo.

Dahil sa panalo, nakabawi ang GinKings sa ginawang pagdurog sa kanila ng Dragons sa Game 2.

Ang mga kanta ng ‘Noypi’ at ‘Pinoy Ako’ ay tinugtog sa timeout kasunod ng triple ng Malonzo na ikinatuwa ng mga tagahanga ng Ginebra, bago kumapit ang Gins upang makuha ang panalo laban sa dayuhang guest team at ang serye ng liderato matapos mahuli ng 14 puntos.

Aabot sa 20,000 paying fans ang sumugod sa MOA Arena upang suportahan ang kanilang paboritong team na Ginebra.

Agad namang nagpasalamat ang Ginebra sa mga fan dahil sila umano ang nagbigay ng lakas sa kanila sa huling minuto ng laban upang makuha nila ang panalo.RICO NAVARRO