GINIGIBA ANG GOBYERNO NG POLITIKA AT TERORISMO

GINIGIBA ANG GOBYERNO NG POLITIKA AT TERORISMO

March 6, 2023 @ 2:05 AM 3 weeks ago


GINIGIBA ng mga pagpaslang at masaker ang gobyerno, ang relasyon ng gobyerno at mamamayan at ang mga mamamayan mismo.

Lumalabas na wala nang kasiguruhan ang buhay ng mga opisyal ng pamahalaan at maging ng mga mamamayan.

Ang mga opisyal ng pamahalaan, kundi hindi inaambus sa mga lansangan, pinapasok sila mismo sa kanilang mga tahanan upang pagpapatayin o masakerin.

Ang mga mamamayan naman at ilang opisyal ng pamahalaan, inaambus din ng mga riding-in-tandem o hine-hazing.

DEGAMO MASSACRE

Pinakahuling biktima ng masaker si Negros Oriental Governor Joel Dagamo at 8 iba pa.

Si Degamo, namatay sa Silliman University Medical Center makaraan ang dalawang oras na gamutan at may kasama ring idineklara na dead on arrival o DOA.

Bukod sa nasabing ospital, itinakbo rin ang iba pang mga DOA o nasugatan sa Negros Oriental Provincial Hospital, Negros Polymedic Hospital at Ace Dumaguete Doctor.

Kasama sa 14 sugatan sina Provincial Health Officer Dr. Liland Estacion, Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council head Marlo Quilnet, and Provincial Social Welfare Officer Rosa Banquerigo.

Ayon kay PNP Region 7 spokesperson P/Lt. Col. Gerard Ace Pelare, isa sa mga suspek ang namatay sa engkwentro ng mga awtoridad at mga suspek sa follow-up operations.

Pinasok ng mga killer na unipormado ng pulis at militar si Degamo sa kanyang bahay sa Brgy. San Isidro, Pamplona, NegOr sa umaga saka sila niratrat gamit ang mahahabang armas.

Nasakote ang tatlong suspek na sina Joric Labrador, 50, ex-army, Joven Aber, 42, ex-Scout Ranger na awol at sangkot sa droga  at isang Benjie Rodriguez, 45.

Masayang nagsasama-sama sina Degamo, kasama ang maraming miyembro ng 4Ps nang pasukin at masakerin sila.

KASONG ALAMEDA, ADIONG AT MONTAWAL

Bago ang Degamo massacre, minasaker ng mga nakauniporme ng pulis o militar sina Aparri, Cagayan Rommel Alameda, Duane Alameda, Jun Ramos, Ismael Nanay, Alvin Abel and Alex de los Santos.

Tsinekpoint sila sa harapan ng MV Duque Elementary School sa Brgy. Baretbet, Bagabag, Nueva Vizcaya dakong ala-8:45 ng umaga, pinagbabaril at sinamsaman ng mga armas.

Tumakas ang mga killer sa Solano saka nila sinunog ang Mitsubishi Adventure na sinakyan nila sa Solano, Nueva Vizcaya.

Tinambangan naman sa Bukidnon si Lanao del Sur Mamintal Alonto Adiong Jr. na ikinasugat nito at isang staff niya habang namatay ang mga kasamahan niyang sina P/Staff Sgt. Mohammad Jurai Mipanga Adiong,P/Cpls. Johanie Lawi Sumandar at Ampuan Cosain at isang Kobie na driver nya

Tinambangan naman ng riding-in-tandem si Datu Montawal, Maguindanao Mayor Ohto Montawal at isang kasama nito makaraang umalis sa Manila Hotel at patungong Gil Puyat Ave., Pasay City.

Mga terorista umano ang umambus kina Gov. Adiong pero sino ang may gawa sa mga kaso nina Gov. Degamo, VM Alameda at Mayor Ontawal?

What’s happening to our country, General…?