GinKings star Pringle out na sa Governors’ Cup

GinKings star Pringle out na sa Governors’ Cup

January 2, 2022 @ 12:55 PM 7 months ago


MANILA, Philippines – Hindi  na makapaglalaro si Barangay Ginebra guard Stanley Pringle sa nalalabing bahagi ng PBA Governors’ Cup dahil sa injury.

Sa tweet ni coach Tim Cone bilang tugon sa isang fan, kinumpirma nito na si Pringle ay sumailalim sa operasyon kamakailan.

“Si Stanley ay nagkaroon ng operasyon noong nakaraang linggo sa meniscus ng kanyang kaliwang tuhod at 3 buwang mawawala,” ani Cone.  “6 na linggo ng non-weight bearing therapy at 6 na linggo ng weight bearing therapy.

Iyon ang dahilan kaya hindi na makakalahok sa Governors’ Cup si Pringle, dagdag pa ni Cone.

Huling naglaro si Pringle para sa Barangay Ginebra sa kanilang conference debut noong Disyembre 12 nang talunin nila ang Alaska Aces.

Bago ang anunsyo ng Alert Level 3 classification sa National Capital Region, inaasahang maglalaro ang Barangay Ginebra sa Enero 7 laban sa Blackwater Bossing.

Wala pang opisyal na anunsyo ang liga sa mga susunod na hakbang nito kasunod ng mga bagong paghihigpit.Rico Navarro