GinKings vs SMB sisiklab sa MOA

GinKings vs SMB sisiklab sa MOA

December 30, 2021 @ 11:53 AM 7 months ago


MANILA, Philippines -Nagbabalik muli  sa Mall of Asia Arena ang Philippine Basketball Association sa pamamagitan ng back-to-back playdates sa venue sa pagpapatuloy ng Governors’ Cup sa Enero 2022.

Makakalaban ng defending champion Barangay Ginebra ang San Miguel sa main game sa doubleheader sa Enero 16.

Sasagupain naman ng TNT Tropang Giga ang Terrafirma Dyip sa 4 p.m. sa first game.

Ang una sa dalawang araw na iskedyul ay magsisimula sa Enero 15 sa laban ng Magnolia at NLEX, ilang sandali matapos ang NorthPort-Blackwater encounter.

Ito ang unang pagbabalik ng PBA sa Pasay venue matapos ang dalawang taon.Rico Navarro