GIP, DOLE-TUPAD, tutulong sa greening program ng DENR

GIP, DOLE-TUPAD, tutulong sa greening program ng DENR

January 31, 2023 @ 6:51 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Patuloy na magpapatupad ng national greening program sa pamamagitan ng 14 na benepisyo ng Government Internship Program at 35 benepisaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/displaced workers (TUPAD) program ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa tulong ng Department of Labor and Employment (DOLE) Cagayan regional office.

Ayon kay DOLE-2 regional Director Joel M. Gonzales, ang mga benepisyaryo ng GIP ay magbibigay ng serbisyo para sa DENR sa loob ng tatlong buwan habang ang mga benepisyaryo ng TUPAD ay maglilingkod sa loob ng 60 araw, na may arawang sahod na P420.

Magtatrabaho ang mga benepisyaryo para sa pangangalaga ng mga kawayan at iba pang punong nakatanim sa 38-ektaryang plantasyon na matatagpuan sa mga lalawigan ng Cagayan, Nueva Vizcaya, at Quirino.

Nagbigay ng tulong ang DOLE matapos lumagda sa isang memorandum of agreement sa pagitan ng DOLE, DENR at Department of Trade and Industry (DTI) hinggil sa pagtatalaga ng mga benepisaryo ng tupad at gip para sa muling pagtatanim ng kawayan at pagsusulong sa industriya ng kawayan, kung saan 11 benepisyaryo ng GIP ang naunang itinalaga para sa nasabing gawain.

Samantala, binigyang diin ni Gonzales ang pagsisikap ng DOLE na patuloy na palawakin ang mga pangangailangan sa programa ng mga partner agencies sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong ng GIP at TUPAD. Jocelyn Tabangcura-Domenden