Girlfriend ni Jang Lucero kinidnap ng mga armado

Girlfriend ni Jang Lucero kinidnap ng mga armado

July 29, 2020 @ 4:30 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Kinidnap ng mga armadong lalaki ang girlfriend ni Jang Lucero, ang babaeng driver na natagpuang tadtad ng sakak sa ipinapasada niyang kotse sa Laguna bilang Grab, ayon sa pulisya.

Sinabi ni Laguna Police Public Information Office chief, P/Lt. Col. Citadel Gaoiran na higit-kumulang sa sampung armadong lalaki ang puwersahang dumukot kay Meyah Amatorio sa loob ng kanilang compound.

 

 

May isa umano siyang kaanak na isinama rin ng mga suspek.

“Based po sa report ng Bay, allegedly about mga 12:20 p.m. doon sa may Barangay Calo… ito pong si Adrian Ramos y Amatorio at si Meyah Amatorio ay diumano dinukot ng sampung mga kalalakihan,” ayon kay Gaoiran.

Ang mga kaanak ni Amatorio ang nag-report ng insidente sa pulisya.

Inaalam pa ng pulisya kung may iba pang nakasaksi sa “kidnapping incident” at kung may CCTV footage sa pinangyarihan para magamit na ebidensya.

Nangyari ang umano’y pagdukot kay Meyah sa harap ng pagnanais ng pamilya ni Jang na maging siya ay dapat na imbestigahan sa brutal na pagpaslang sa biktima.

Marami umanong persons of interest sa pagpatay kay Jang, kabilang na si Meyah.

Ayon kay Gaoiran, dinedetermina pa kung ang pagkidnap kay Meyah ay may kinalaman sa pagpaslang kay Lucero noong Hunyo.

“Tinitingnan po natin kung related ba ito o ano ‘yung motibo,” sabi ni Gaoiran.

Si Lucero ay matatandaang natagpuang tadtad ng saksak sa kanyang kotse na ginagamit niyang Grab car sa Calamba, Laguna, ilang oras matapos siyang magsakay ng pasahero na patungo umano sa Gil Puyat sa Metro Manila. RNT


  •  
  •  
  •  

Loading...