Girls’ Generation member Sooyoung, inisplook ang plano sa comeback ng grupo

Girls’ Generation member Sooyoung, inisplook ang plano sa comeback ng grupo

July 5, 2022 @ 8:00 PM 1 month ago


SEOUL, South Korea – Inilantad ng Girl’s Generation member na si Sooyoung ang plano ng grupo sa nalalapit na comeback nito.

Sa July 4 episode ng variety talk show ng TVN kung saan nagkaroon ng guest appearance ang miyembro ng sikat na Kpop girl group, ibinahagi nito na maglalabas ang Girls’ Generation ng full length album.

To be exact, ang sagot ni Sooyoung sa tanong ng host na si Sung Dong Il ay:

“We are releasing a full-length album for the first time in 5 years.”

Matatandaan na talagang kaabang-abang ang planong comeback ng grupo na nag-debut noong 2007.

Inaasahan na sa susunod na buwan ilalabas ng Girls’ Generation ang ikapitong full-length album ng grupo mula nang magdebut. RNT/JGC