Gitgitan sa daan; lisensya ng Grab Phil, wag nang irenew – Hype

Gitgitan sa daan; lisensya ng Grab Phil, wag nang irenew – Hype

August 10, 2018 @ 4:44 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Naghain ng petisyon kanina Agosto 10, 2018 (Biyernes) ang isang transport group sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para hilingin na huwag nang mabigyan ng license to operate ang Grab Philippines dahil sa mga paglabag sa kasunduan ng naturang transport network.

Ayon sa grupong Hype Transport System na isa rin Transportation Network Vehicles Service (TNVS) at Transport Network Company (TNC) dahil sa paglabag sa mga pinaiiral na kasunduan ng LTFRB hindi na dapat mabigyan ng lisensya ang Grab Phil.

Sa isang press conference sinabi ni Jennifer Silan, Chief Operating Officer ng Hype Transport System, Inc. ang kanilang aksyon ay kasunod ng umano’y ‘unfair’ business practices ng Grab na ikinalulugi ng mga tumatangkilik sa serbisyo ng transport network company sa bansa.

Ibinigay na halimbawa ni Silan, na kabilang sa mga paglabag ng Grab ay ang illegal charging nito na P2.00 per minute mula sa mga Grab passenger simula Hulyo 2017 hangang Abril 2018 ng wala umanong aprubal ng LTFRB, ang paglalagay umano ng charging sa mga pasahero ng taxi booking fee na nagkakahalaga ng P62.00, P75.00, P100.00 at lalo na umano sa panahong ng peak hour, puwera pa umano ang P50.00 booking fee na inaprubahan ng LTFRB.

Kaugnay nito, iginiit ni Hype legal counsel na si Atty. John Coluso na hindi na dapat pang makapag-operate ang Grab dahil sa tahasan umanong panloloko sa kanilang mga partner-drivers ang mga hakbang na ito ng naturang transport company.

Idinagdag pa ni Atty. Coluso, na bukod sa mga pangakong incentives na hindi natutupad ng Grab, nilalabag din umano ng ‘giant’ foreign company ang panuntunang itinatakda ng LTFRB.

Sinabi pa ni Silan na sa kabila aniya ng sandamakmak na paglabag ng Grab ang lahat ng ito aniya ay sapat nang basehan para huwag nang mabigyan ng extension o license-to-operate ang Grab Philippines.

Sa kasalukuyan ay mahigit isang buwan nang patuloy na nakakapag-ooperate ang Grab habang hindi pa naglalabas ng desisyon ang LTFRB board kung papayagan itong makakuha ng panibagong license to operate. (Santi Celario)