Giyera kontra droga, korapsyon nananatiling adbokasiya ni PRRD

Giyera kontra droga, korapsyon nananatiling adbokasiya ni PRRD

June 25, 2021 @ 1:46 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Walang nabago at nananatili ang adbokasiya ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kabila ng papalapit na ang pagtatapos ng termino nito sa susunod na taon.

“It hasn’t changed,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.

Aniya, nananatili ang adbokasiya ng Chief Executive pagdating sa kampanya nito laban sa korapsyon at ipinagbabawal na gamot.

Noong nakaraang taon ay nadagdagan ito na tiyakin na mabakunahan ang lahat ng Filipino laban sa COVID-19.

Nanumpa bilang Pangulo noong Hunyo 30, 2016, nagsimula nang tuparin ng Pangulo ang kanyang pangako na tuldukan ang problema sa ilegal na droga sa loob ng tatlong buwan.

Dumating pa sa punto na pinalawig niya ito ng hanggang anim na buwan hanggang sa maging tatlong taon dahil “na-miscalculated” niya ang problema.

Sa kalaunan ay nangako naman ang Pangulo ng drug-free community par sa mga Filipino bago matapos ang kanyang termino.

Sa kabilang dako, hinikayat naman ng Punong Ehekutibo ang publiko na magpabakuna laban sa COVID-19 habang ang bansa ay patuloy na gumagawa ng iba pang pamamaraan para mapigilan ang pagkalat ng virus.

Kamakailan ay nagbanta pa ang Pangulo na ipaaaresto niya ang mga indibiduwal na tatanggi na magpabakuna.

Kaagad namang nagbigay nagpaliwanag si Sec. Roque na “expression” lamang ito ng Pangulo dahil dismayado sa gitna ng health crisis.

Samantala, sinabi ng Malakanyang na walang plano ang Pangulo na i-extend ang kanyang presidency.

Iyon nga laman, hindi pa siya pormal na naga-anunsyo ng kanyang mga plano sa  2022 polls, kung saan ay hinikayat siya ng kanyang mga partymates na tumakbo sa pagka-pangalawan pangulo. Kris Jose


  •  
  •  
  •