Giyera ng gobyernong Duterte laban sa iligal na droga, hindi pa tapos

Giyera ng gobyernong Duterte laban sa iligal na droga, hindi pa tapos

July 23, 2018 @ 6:13 PM 5 years ago


Manila, Philippines – Hindi pa tapos ang giyera ng Duterte administration laban sa illegal na droga.

Sa kanyang ikatlong State of the Nation address (SONA) ay sinabi ng Pangulo na malayo na ang narating ng giyera ng pamahalaan laban sa illegal na droga kung saan nagsimula lamang itong makakumpiska ng milyong piso halaga ng ipinagbabawal na gamot subalit ngayon aniya ay umabot na ito sa trilyong piso.

“I can only shudder at the harm that those drugs could have caused had they reached the streets of every province, city, municipality, barangay and community throughout the country,” ani Pangulong Duterte.

Kaya nga ang giyera ng gobyerno laban sa illegal na droga ay hindi maisasantabi.

Sa halip aniya ay magpapatuloy ito.

“it will be as relentless and chilling, if you will, as on the day it began. These drug dealers know fully well that their business is against the law. They know the consequences of their criminal acts, especially when caught in flagrante delicto and they violently resist arrest. They know that illegal drugs waste away lives, dysfunctionalize families, and ruin relationships. They know that once hooked, addicts will die slowly — slow deaths. And yet, they persist in doing what they do, oblivious to the terrible harm that they cause to the people and communities,” anito.

At kapag aniya ang illegal drug operations  ay nauwi sa karahasan at madugong giyera ay kaagad na lulutang ang mga human rights para kastiguhin ang pamahalaan.

“advocates of human rights lash at—and pillory—our law enforcers and this administration to no end. Sadly, I have yet to hear really howls of protest from the human rights advocates and church leaders against drug-lordism, drug dealing and drug pushing as forceful and vociferous as the ones directed against the alleged errant [law] enforcers in the fight against this social scourge,” lahad nito

Kung sa tingin aniya ng mga ito na mapapatigil ang gobyerno sa mga protesta at demonstrasyon ay sinabi ng Pangulo na nagkakamali ang mga ito.

“Your concern is human rights, mine is human lives,” diing pahayag ni Pangulong Duterte.

Ang buhay aniya ng mga kabataan ay nasasayang at nasisira ang mga pamilya dahil sa kemikal na gaya ng shabu, cocaine, cannabis, at  heroine. (Kris Jose)