Gladys, inakalang may-COVID-19, nagpapawis at nag-‘singhulahoop’!

Gladys, inakalang may-COVID-19, nagpapawis at nag-‘singhulahoop’!

January 12, 2022 @ 8:22 AM 7 months ago


Manila, Philippines – Totoo, masakit ang mawalan ng mahal sa buhay.

Hindi exception si Gladys Reyes dahil sumakabilang-buhay ang kanyang father October last year.

Dahil ilang buwan pa lang ang nakakaraan, natural na ma-miss ni Gladys ang ama lalo nitong nagdaang Pasko at Bagong Taon.

Pero sabi nga, there will always be ways to confront sadness brought about by loss of a loved one.

At sa kaso ni Gladys, simple lang ang kanyang paraan: “singhulahoop.”

Ang singhulahoop ay kumbinasyon ng pagkanta at hulahoop.

Ani Gladys, bukod daw sa pampa-good vibes ang aktibidad na ito’y maganda pang ehersisyo.

Gladys cites her father na  noong nabubuhay raw ay laging nagpapayong magpapawis kapag masama ang pakiramdam.

Tulad  na lang kamakailan, inakala raw ni Gladys na tinamaan siya ng Omicron variant.

Buti na lang, negatibo siya noong sumailalim sa antigen test at dumiretso sa taping ng Pepito Manaloto.

During breaks on the set ay nagsi-singhulahoop si Gladys. Bitbit niya ang kanyang blue tooth microphone, kung saan ilan sa mga co-stars niya’y naimpluwensiyahan na niya rin.

At home, ito rin ang madalas nilang gawin ng kanyang Mommy Zeny na magaling palang mag-hulahoop. Ronnie Carrasco III