Gladys, paaaminin si Heart!

Gladys, paaaminin si Heart!

September 24, 2022 @ 3:19 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Has anyone heard of a talk show which is not dependent on a script?

Kung hindi pa, ‘yun ay ang show ni Gladys Reyes sa Net 25, ang Moments.

Gladys has been hosting Moments for 16 years now.

At sa loob ng panahong ‘yon, nai-guest na niyang lahat ang mga interesting personalities in and out of showbiz maliban kay Heart Evangelista.

Dahil hindi nga siya nakadepende sa script, ang mga itatanong daw niya kay Heart ay base sa gustong malaman ng publiko.

Halimbawa ay kung sila pa raw ba ng asawang si Senator Chiz Escudero.

After all, ‘yun naman daw ang gustong malaman ng tao.

Siguro, maidadagdag na lang ni Gladys ang ilang tanong base sa mga kumakalat na balita.

Both Chiz and Heart have their share of tsismis about them na kailangan nilang sagutin.

Balita kasing may French boyfriend daw si Heart na Alex ang pangalan.

Nakilala raw ito ng aktres sa kakapunta niya sa mga fashion events sa Paris.

In the same way, balita ring may “nadisgrasya” umano si Chiz mula sa kanyang legal team.

May tsismis ding nanganak na raw ang “the other woman” ng senador mula rin sa Sordogon.

Kung matutuloy ang dream interview ni Gladys kay Heart, malaking bentahe ito para sa kanyang show.

Ang tanong nga lang  ay kung willing si Heart na magpaunlak ng sit-down interview na ang topic ay tungkol sa problematic married life niya. Ronnie Carrasco III