Gladys Reyes, pinatibay ng mga pagsubok!

Gladys Reyes, pinatibay ng mga pagsubok!

June 3, 2021 @ 3:16 PM 2 years ago


Manila, Philippines – Kamakailan ay ibinahagi ni Gladys Reyes ang pinagdaanang pagsubok nang maospital ang kanyang butihing ama.

Kasama rito ang matiyagang paghihintay ng bakanteng kuwarto para ma-admit ang ama na kailangang isugod sa dis oras ng gabi.

Thank God, ligtas na ang kanyang ama sa panganib.

Gladys would not have done it kung wala sa tabi niya ang kanyang kabiyak na si Christopher Rojas.

Kaya naman sa darating na Sabado sa “Sarap ‘Di Ba?,” this celebrity couple is proud to take us to their home where they’ve been spending the best years of their married life. Ibabahagi rin nila ang kanilang well-preserved memorabiilia, recipes at bonding activities.

Hindi siyempre magpapahuli ang mag-asawang Zoren Legaspi at Carmina Villaroel na kasamang maglalaro nina Christopher at Gladys ng relationship game. Dito malalaman ang kanilang mga sikreto kung paanong naging matatag ang kanilang mga pagsasama sa kabila ng maraming pagsubok.

On the sports front naman, get to meet Danilo Bayla, ang NCAA star player mula sa Arellano University at kung paano niya ginagawang fun at exciting ang kanyang Saturday morning.

Abangan din kung sinong masuwerteng viewer ang magwawagi ng P5k giveaway promo, kaya tutok na sa “Sarap ‘Di Ba?”

Pampamilya na, pang-isports pa! Ronnie Carrasco III