Glaiza at David, ikakasal sa Pinas sa 2023!

Glaiza at David, ikakasal sa Pinas sa 2023!

September 16, 2022 @ 11:30 AM 3 weeks ago


Manila, Philippines – Tulad ng kanilang ipinangako, after their 2021 wedding in Ireland ay dito sa Pilipinas magpapakasal sina Glaiza de Castro at David Rainey.

Wala pang eksaktong petsa pero January next year ang kanilang altar date at a resort in Zambales in Christian rites.

Ayon kay Glaiza, buong pamilya raw ni David ang nagpa-book na ng kanilang flight patungo rito, at maging mga Irish friends ng groom.

Funny, kahit ilang buwan na lang ang kanilang kasal ay hindi pa nakukumpleto ni Glaiza ang entourage.

Gusto raw kasi ng Kapuso actress na personal niyang sabihan ang mga ito.

Pero saan ka, meron na raw sa lineup na kukunin pa lang ni Glaiza ang permiso.

One thing’s for sure, kasama raw sa entourage sina Angelica Panganiban, Ketchup Eusebio at mag-asawang Kian at Chynna Cipriano.

Naikuwento rin ni Glaiza kung paano nag-effort si David on how to learn to speak Tagalog.

Nag-hire pa raw ito ng magtuturo sa kanya from Ateneo.

Pero kapag nasa Ireland daw si David ay wala itong mga Pinoy na puwedeng makausap.

Having an Irish husband, asahan nang mas madalas si Glaiza sa homeland ng kanyang asawa.

Will it be goodbye showbiz for Glaiza soon? Ronnie Carrasco III