Glaiza at jowa, nagnegosyo, magbubukas ng coffee shop!

Glaiza at jowa, nagnegosyo, magbubukas ng coffee shop!

February 13, 2023 @ 8:27 AM 1 month ago


Manila, Philippines – Ang pananalasa ng pandemya nitong 2020 ang nakadiskaril sa pangarap ng noo’y magkasintahan pa lang na sina Glaiza de Castro at David Rainey na magkaroon ng coffee shop.

Dahil medyo may kainaman na ang sitwasyon ngayon, anytime soon ay open to the public na ang negosyo nilang kapihan.

Ito’y ang Brewbox Baler na matatagpuan sa Baler, Aurora.

“It promises to offer fresh coffee, healthy breakfast and good vibes,” pagmamalaki ng Kapuso actress.

Abut-abot ang pasasalamat ni Glaiza kay David for being hardworking and passionate that he is para magkaroon ng katuparan ang kanilang pangarap.

Matatandaang madalas magbabad noon si Glaiza sa Baler when in the country and not busy with her taping schedule.

Taong 2021 noong una silang ikinasal ng kanyang Irish partner sa ibabaw ng bundok katabi ang isang kastilyo sa Northern Ireland.

Pero mas en grande at star-studded ang kanilang ikalawang pagpapakasal sa Zambales nitong January.

Stunning si Glaiza sa kanyang modern Filipiniana wedding gown.

Isa sa mga tumayong ninong sa kasal ay ang embattled TV host na si Willie Revillame.

The married couple’s guests had an interesting mix of Kapuso, Kapamilya and Kapatid artists, thus uniting them and proving that there exists no network war on special occasions like that. Ronnie Carrasco III