Glaiza, magbabalik-Pinas, iiwan ang asawa sa Ireland!

Glaiza, magbabalik-Pinas, iiwan ang asawa sa Ireland!

April 26, 2022 @ 6:45 AM 2 months ago


Manila, Philippines – Inaasahang babalik ng Pilipinas si Glaiza de Castro sa May 10 mula sa Northern Ireland, kung saan nakatira ang parents at kapatid ng husband niyang si David Rainey. ‘Di kasama ni Glaiza ang asawa sa pagbalik sa bansa dahil expected naman na babalik ito ng Pinas sa September.

Balik-trabaho si Glaiza pagdating sa Manila dahil aasikasuhin niya agad ang taping ng soap na Seeed of Love, na idinidirek ni Ricky Davao.

Ang Seed of Love ay nahinto sa taping dahil sa pandemic.

Samantala, ang pinag-uusapang first romance-comedy series ni Glaiza, ang False Positive, ay mapapanood naman simula sa May 2, after ng First Lady. Partner niya ang magaling na new Kapuso actor, si Xian Lim.

Sabi ni Xian sa Zoom mediacon, “Matagal ko nang hinahangaan si Glaiza bilang actress. Kaya nang sinabi sa akin na si Glaiza ang partner ko, nag-yes agad ako. Kahit pa sabihin na naiiba ang istorya ng mini soap, excited kong ginawa ang False Posive.

“Aba, ako ang mabubuntis sa istorya. Malalaman mo ang hirap ng babaing buntis.” Noel Asinas