Glaiza, nag-taping sa South Korea!

Glaiza, nag-taping sa South Korea!

June 30, 2022 @ 12:45 PM 1 month ago


Seoul, South Korea – Umalis sa bansa si Glaiza de Castro kasama ang iba pang cast ng reality show na Running Man Philippines.

Nagti-taping ngayon si Glaiza at iba pang cast sa South Korea at mananatili sila doon ng 40 days. FYI ay sa South Korea nagmula ang Running Man.

Inaasahang babalik sa Manila ang cast sa first week of August.

Bago umalis si Glaiza, nakapag-guest sila nina Carla Abellana at Rabiya Mateo para sa finale episode ng First Lady. Sila ang lalabas na mga bagong yaya ng palasyo.

Inaabangan sa Biyernes, July 1, ang episode na ito kung magkakaroon ba ng  malaking participation ang tatlo sa Book 3 ng series kung saan bida sina Sanya Lopez at Gabby Concepcion.

Samantala, bago umalis si Glaiza ay inayos na rin niya ang final venue ng church wedding nila ni David Rainey na gagawin sa isang exclusive resort sa Zambales.

Wala ngayon sa Pilipinas si David, sabi ng isang source. Nagtatrabaho raw si David sa family business nila sa Northern Ireland.

Nauna nang nagkaroon ng traditional wedding sina Glaiza at David sa Ireland last year. Noel Asinas