‘Glee’ creators bumubuo ng college fund para sa anak ni Naya Rivera

‘Glee’ creators bumubuo ng college fund para sa anak ni Naya Rivera

July 16, 2020 @ 7:28 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

US – Bumubuo ng college fund ang mga bumubuo ng “Glee” para sa apat na taong gulang na anak ng aktres na si Naya Rivera.

Narekober ang labi ng aktres sa Lake Piru sa Ventura County, California nitong Lunes, ilang araw matapos itong mawala sa boating trip kasama ang anak na si Josey.

Batay sa autopsy ng Ventura County Medical Examiner’s Office, sinasabing nasawi ito dahil sa pagkakalunod.

Sa pagbibigay ng tribute kay Rivera sa isang joint statement, inilarawan ng “Glee” producers na sina Ryan Murphy, Brad Falchuk at Ian Brennan ang 33-anyos na dating child actress bilang “joy to write for, a joy to direct and a joy to be around.”

“The three of us are currently in the process of creating a college fund for the beautiful son Naya loved most of all,” dagdag pa nito.

Ginanapan ni Rivera ang openly gay cheerleader na si Santana Lopez sa Fox musical comedy-drama, na nakakuha ng critical acclaim matapos ipalabas noong 2009.

Bagamat hindi agad kinuha bilang cast member si Rivera, “didn’t take more than an episode or two for us to realize that we had lucked into finding one of the most talented, special stars we would ever have the pleasure of working with,” ayon sa pahayag ng mga producer.

Kinilala rin ng mga ito ang impact ng karakter nito sa LGBTQ+ community, maging ang “the humor and humanity” na dinala nito sa relasyon ni Sanata kay Brittany, na ginagampanan naman ni Heather Morris.

“Naya always made sure that Santana’s love for Brittany was expressed with dignity, strength and with pure intentions. Naya was always moved by the girls who reached out to her to tell her how much Santana and Brittany’s love affected them.”

Sa pagtatapos ng pahayag, sinabi nila Murphy, Falchuk at Brennan: “Our hearts go out to her family, especially her mom, Yolanda, who was a big part of the Glee family and her son Josey.”

Nitong Lunes ng umaga, nakiisa ang mga kasapi ng “Glee” cast sa mga kaibigan ni Rivera sa isang moment of remembrance sa Lake Piru.

Nakuhanan ng larawan ang grupo habang magkakahawak-kamay at tumatanaw sa lawa habang isinisigaw ang: “Say her name — Naya”. RNT


  •  
  •  
  •  

Loading...