‘Glee’ star Naya Rivera, pumanaw na

‘Glee’ star Naya Rivera, pumanaw na

July 14, 2020 @ 4:49 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Los Angeles – Pumanaw na ang aktres na si Naya Rivera, na nakilala sa pagganap bilang Santana Lopez sa hit series na “Glee”, makaraang mawala ito sa boat ride kasama ang apat na taong gulang na anak, ayon kay Ventura County Sheriff William Ayub.

Nasawi siya sa edad na 33.

Nawala si Rivera nitong Miyerkoles mula sa Lake Piru sa Ventura County, California, habang namamangka kasama ang anak nitong si Josey.

Natagpuan ang kanyang labi makalipas ang anim na araw na paghahanap. Ito rin ang ika-pitong taong anibersaryo ng pagkamatay ng kanyang co-star sa “Glee” na si Cory Monteith.

Walang indikasyong may foul play sa pagkamatay ni Rivera, maging ang anumang indikasyon na suicide ito.

Nakita si Rivera at ang kanyang anak na magkasama sa bangka, at tatlong oras makaraang umalis ang mga ito, natuklasan ng isang boater na natutulog ang bata sakay ng bangka.

Nasabihan naman ang mga awtoridad at sinimulan nito ang air at dive team search.

Ayon sa anak ni Rivera, nag-swimming ang mag-ina ngunit hindi na nakabalik sa bangka ang aktress.

Mayroong suot na life vest ang bata at natagpuan ang adult life vest sa bangka.

Higit na nakilala si Rivera nang gumanap ito bilang si Santana Lopez sa hit Fox musical comedy mula 2009 hanggang 2015.

Dahil dito, naipamalas niya ang galing sa pag-awit at mula sa pagiging “mean girl” ay naging “fan favorite” ito na nagkaroon ng same-sex relationship sa kasamahang cheerleader at best friend na si Brittany Pierce (na ginaganapan ni Heather Morris). RNT/MM


  •  
  •  
  •  

Loading...