‘GLEN’, ‘KAP DAN’ NG BATANGAS, MAY PAIHI

‘GLEN’, ‘KAP DAN’ NG BATANGAS, MAY PAIHI

September 24, 2022 @ 6:00 PM 2 months ago


ANG paihi o patulo ay isang uri ng krimen na napakabigat ang parusa na puwedeng kaharapin ng mga indibidwal na nasa-likod ng operasyon nito.

Bukod  sa kasong petro theft,  puwedeng ipagharap ng ‘economic sabotage’ ang mga taong nahuhuli sa ‘pilferage’ ng  gasolina,  diesel at iba pang produktong petrolyo.

 Sa batas, may mga kompanyang binigyan ng permisong makapag-angkat at makapag-imbak ng petroleum products, kapalit siyempre ng pagbabayad ng tamang buwis.

 Ang petro products ay isa sa nagbabayad ng  malaking  ‘tax  contribution’ kundi man pinakamalaking pinagkukunan ng buwis para maging pondo ng  pamahalaan.

  Pero sa paihi, ang  produkto nitong petrolyo ay ipinupuslit sa bansa sa pamamagitan ng mga ports, at sa  negosyong paihi  “swak” sina Glen ng Lemery at Kap. Dan ng Lipa City, kapwa sa Batangas.

   Ayon sa source ng Chokepoint, kundi sa Batangas port, sa mga tankers  kinukuha nina Glen at Kap. Dan ang kanilang gasolina at diesel na inilalako sa mga contact-buyers.

      Iligal ang ginagawa nina Glen at Kap Dan pero ang nakakapagtaka, pinapabayaan lamang sila ni Lemery Police chief PMaj. Gerry Abalos at Lipa City Police chief PCol. Ariel Azurin.

        May pananagutan din si Col. Pedro Soliba dahil bilang provincial director ng Batangas, siya ang dapat manguna sa pagsalakay sa mga paihian nina Glen at Kap. Dan.

       At kung may pananagutan si Soliba, mas malaki ang pananagutan ni PBGen. Melecio Nartatez, Jr., regional director,  sa ilalim ng  ‘principle of command responsibility’.

     Ang pamamayagpag din ng paihi nina Glen at Kap. Dan ay malinaw na kasiraan ni  Philippine National Police chief PGen. Rodolfo Azurin na ang liderato ay nagkaroon na ng lamat sa pananaw ni Sen.  “Bato” Dela Rosa na kamakailan ay tinawag na ” walang asim  walang arrive.”

      Ang patuloy na lantarang operasyon ng paihi nina Glen at Kap Dan ay pahiwatig na  nagkamali si Pangulong Bongbong Marcos sa pagpili kay Azurin bilang chief PNP at Nartatez bilang PRO4-A director.

     Abangan!