Global COVID-19 cases sumampa na sa higit 600M

Global COVID-19 cases sumampa na sa higit 600M

August 30, 2022 @ 8:47 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Umabot na sa 600 milyon noong Sabado ang Global Covid-19, ayon sa datos mula sa Johns Hopkins University.

Ang pandaigdigang bilang ng kaso ay umabot sa 600,449,934, na may 6,485,233 na pagkamatay sa buong mundo.

Ang Estados Unidos ay nag-ulat ng 94,184,146 na kaso at 1,043,838 na pagkamatay, parehong pinakamataas na bilang sa buong mundo, na katumbas ng halos 16 porsiyento ng mga pandaigdigang kaso at higit sa 16 porsiyento ng mga pandaigdigang pagkamatay.

Naitala ng India ang pangalawang pinakamalaking caseload sa mundo na 44,398,696, na sinundan ng France na may 34,662,834 na kaso.

Kasama rin sa mga bansang may higit sa 20 milyong kaso ang Brazil, Germany, Britain, South Korea at Italy, ayon sa tally ng unibersidad. RNT