Global COVID death pumalo na sa 5.82M – AFP tally

Global COVID death pumalo na sa 5.82M – AFP tally

December 11, 2021 @ 8:38 AM 10 months ago


France – Naitala na ang 5,286,793 pumanaw dahil sa COVID, batay sa opisyal na bilang ng AFP.

Naitala na rin ang kabuuang 267,883,990 kaso ng coronavirus.

Nakabase naman ang naturang bilang sa arawang report na ibinigay ng mga awtoridad bawat bansa.

Sinabi naman ng World Health Organization na ang overall toll ng COVID case ay maaaring mas mataas ng dalawa hanggang tatlong beses sa opisyal na rekord.

Pinakamarami ang naitala sa United States na may 794,648 nasawi mula sa 49,664,506 cases.

Sinundan naman ito ng Brazil na may 616,457 deaths mula sa 22,177,059 cases; India na may 474,735 deaths mula sa 34,674,744 cases; Mexico na may 296,188 deaths mula sa 3,911,714 cases, at Russia na may 287,180 deaths mula sa 9,956,679 cases. RNT/FGDC