Global firms nangakong mamumuhunan sa Pinas- Malakanyang

Global firms nangakong mamumuhunan sa Pinas- Malakanyang

January 20, 2023 @ 9:30 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – NANGAKO ang ilang multinational firms na mamumuhunan at palalawakin ang kanilang operasyon sa Pilipinas.

Kasunod ito ng talakayan sa sidelines ng World Economic Forum (WEF) sa Switzerland.

“One of them is logistics company DP World, which is eyeing to establish an industrial park in Pampanga,” ayon sa Presidential Communications Office (PCO) sa isang kalatas.

“We are committed to investing in the Philippines; we’re committed to expand,” ang sinabi ni chairman at chief executive officer Sultan Ahmed bin Sulayem kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sabay sabing. “So we’re interested in the Philippines, in industrial parks.”

Ayon sa opisyal, nakapag-develop na ang Dubai-based firm ng industrial parks sa ilang bansa kabilang na ang Senegal, Egypt, India, at Pakistan.

Samantala, target naman ng investment company na Morgan Stanley na maglagay ng opisina sa Maynila.

Nangako naman ang Asia Pacific Chairman Gokul Laroia kay Pangulong Marcos na susuportahan nito ang development initiatives ng gobyerno ng Pilipinas.

“[W]e’re opening an office there, we’re trying to work with both the government [and] the private sector,” anito.

Si Pangulong Marcos ay patuloy na makikipagpulong sa mga business leaders sa sidelines ng WEF, hanggang ngayong araw, Enero 20. Kris Jose