Global jobs recovery wala pang kasiguraduhan sa pandemya, Omicron —ILO

Global jobs recovery wala pang kasiguraduhan sa pandemya, Omicron —ILO

January 18, 2022 @ 8:32 AM 7 months ago


GENEVA — Maaaring matagal pa bago makarekober ang global job market kumpara sa inaasahan, ayon sa International Labour Organization.

Giit ng ILO na ang antas ng unemployment o bilang ng mga walang trabaho ay nanaantiling mataas hanggang 2023 dahil sa walang kasiguraduhang tatahakin ng pandemya.

Sa pagtataya ng UN agency, tutungtong sa 52 milyong mas kakaunting trabaho ang maitatala ngayong 2022 kumpara sa panahong wala pang pandemya.

Habang magtutuloy-tuloy naman ang mataas na unemployment rate sa 2023 kung saan tinatayang mas kakaonti ng 27 milyong trabaho ang maitatala kumpara pa rin sa panahong wala pang pandemya.

Ibinabala pa rin ng ILO ang “slow and uncertain” recovery na nakasaad sa World Employment and Social Outlook report for 2022.

“The global labor market outlook has deteriorated since the ILO’s last projections; a return to pre-pandemic performance is likely to remain elusive for much of the world over the coming years,” saad sa ulat ng ILO.

Sinabi naman ni Director-General Guy Ryder na maraming mga dahilan sa nasabing ulat pero ang pinakauna rito ay “the continuing pandemic and its variants, notably Omicron.”

Sa kabuuan, nasa 207 milyong indibidwal ang mawawalan ng trabaho sa 2022 magmula ng maitala ang pandemya. RNT