Global prayer para sa kapayapaan sa Ukraine, Russia pinangunahan ng Santo Papa

Global prayer para sa kapayapaan sa Ukraine, Russia pinangunahan ng Santo Papa

March 27, 2022 @ 1:30 PM 3 months ago


 MANILA, Philippines – Pinangunahan ni Pope Francis ang Catholic bishops sa mundo noong Biyernes sa pagdarasal para sa kapayapaan sa pagitan ng Russia at Ukraine, na sinabing nakalimutan na ng mundo ang mga trahedya noong ika-20 siglo at binabantaan pa rin ng nuclear war.

Kasabay nito, libu-libong Obispo sa mga Simbahan at chapels sa buong mundo ang nagbabasa ng nasabing panalangin sa kanilang sariling lenggwahe na nagreresulta sa isa sa pinakatumpak na pinag-ugnay na kaganapan ng Simbahan sa buhay.

Sa hiwalay na homiliya bago ang bigkasin ang panalangin, binanggit ni Pope Francis ang tungkol sa “mga eksena ng kamatayan” kung saan “sinisira ng mga bomba ang mga tahanan ng marami nating walang kalaban-laban na mga kapatid na Ukrainian” at ng “isang malupit at walang kabuluhang digmaan na nagbabanta sa ating mundo”.

Kapwa dumalo naman ang Ukranian at Russian ambassador sa Vatican.

“We have forgotten the lesson learned from the tragedies of the last century, the sacrifice of the millions who fell in two world wars … we have closed ourselves in nationalist interests,” sabi ng Santo Papa sa panalangin na ang pormal na pamagat ay “An Act of Consecration to the Immaculate Heart of Mary”.

Si Archbishop Visvaldas Kulbokas, ang Vatican ambassador na nanatili sa Ukraine simula nang ilunsad ng Russia ang pagsakop sa Ukraine noong nakaraang buwan ay sinabing babasahin ang panalangin mula sa makeshift altar sa kusina ng isang ligtas na silid sa embahada ng Kyiv.

Gayundin, binasa rin ni papal envoy Cardinal Konrad Krajewski ang nasabing panalangin malapit sa lugar kung saan sinasabing lumitaw si Mary noong 1917 sa tatlong batang shepherd sa Portuguese town ng Fatima.

Sinabi ng Simbahan na ang apparition ng July 13,1917 , hiniling ni Maria na ang Russia ay italaga sa kanya, kung hindi, ito ay “magkakalat ng kanyang mga pagkakamali sa buong mundo, na magdulot ng mga digmaan at pag-uusig sa Simbahan” at ng “iba’t ibang mga bansa ang malipol”.

Pagkatapos ng 1917 na rebolusyong Ruso at sa panahon ng Cold War sa pagitan ng Kanluran at Unyong Sobyet, ang “Mensahe ng Fatima” ay naging isang rallying point para sa anti-komunismo sa Kristiyanismo.

Ang mga katulad na gawain ng pagtatalaga ng mundo ay isinagawa ng mga nakaraang papa noong 1942, 1952, 1964, 1981, 1982 at 1984. Jocelyn Tabangcura-Domenden