GLOBAL WIND DAY

GLOBAL WIND DAY

June 16, 2022 @ 2:41 PM 2 weeks ago


Nakikiisa ang inyong Agarang Serbisyo Lady at ang ating programa sa obserbasyon ngayong araw na ito bilang “Global Wind Day” na pinangungunahan ng Global Wind Energy Council.

Layon ng paggunita na bigyan ng importansiya ang kahalagahan ng hangin bilang isang “renewable energy”.

Sa buong mundo sa kasalukuyan, nasa 4.8% na ang gumagamit ng wind energy o katumbas ng 824,874 GW.

Pangunahin ang mga bansang China, United States of America, Germany, United Kingdom, Spain, India, Brazil, Canada, France at Turkey.

Mahalagang alternatibo ang wind energy sa nakasanayang fossil fuels dahil ito ay –

ü   Napakaliit lamang ng nagagawang carbon footprint ng mga wind turbines kumpara sa mga coal and natural gas power plant;

ü   Zero pollution;

ü   Mabuti sa kalusugan ang enerhiya mula sa hangin;

ü   Konti lamang ang tubig na kinakailangan para sa operasyon ng mga wind turbines;

ü   Lumilikha ito ng trabaho lalung-lalo na sa mga kanayunan o rural areas;

ü   Malaki ang matitipid sa wind energy; at

ü   Madaling makabit sa mga lugar na napakahirap malagyan ng elektrisidad katulad ng mga isla;

Dito sa Pilipinas, alinsunod sa itinatadhana ng Republic Act No. 9513 o ang Renewable Energy Act of 2008, unti-unti ng nagagamit ang wind energy. Ayon sa mga pag-aaral, aabot sa 76GW ang wind energy capacity ng bansa.

Dalawa sa pinakamalaking wind energy project sa bansa ay matatagpuan sa Burgos, Ilocos Norte na mayroong 50 wind turbines na siyang pinakamalaki rin sa buong ASEAN region, at ang Pililia wind farm sa lalawigan ng Rizal na mayroon namang 27 wind turbines.

Mayroon ding wind farm sa Bangui, Ilocos Norte na may 20 wind turbines; Caparispisan wind farm sa Pagudpud, Ilocos Norte, may 27 wind turbines; sa Puerto Galera, Oriental Mindoro; San Lorenzo wind farm sa Guimaras; at Nabas wind farm sa Aklan.

Inaasahan na sa direksyon ng bansa na pagbabawas ng dependence sa fossil fuels ay lalo pang tataas ang magiging paggamit natin sa wind energy na libre at akmang-akma sa Pilipinas.