Globe customers na gumagamit ng 4G LTE lumobo

Globe customers na gumagamit ng 4G LTE lumobo

March 23, 2021 @ 5:54 PM 4 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines-Puspusan na ang pagkilos ng Globe tungo sa pagtamo ng #1stWorldNetwork kung saan mas maraming  customers ang naka-4G LTE na ngayon.

Aktibong pinoposisyon ng telco ang 4G bilang bagong pamantayan ng mobile internet sa bansa.

Ang paglipat sa mas makabago at mas mabilis na  4G LTE technology ay nagresulta sa pagbaba ng bilang ng mga customer na gumaganit ng 3G technology at 3G data usage.

Nagtala ang Globe ng 47.4% pagbaba sa bilang ng mga customer na gumagamit ng 3G mula Mayo 2020 hanggang Enero ngayong taon.

Ang 3G ay ang third generation ng wireless mobile telecommunications technology na unang ipinakilala noong 2001.

Nagtala rin ang telco ng 34% pagtaas sa bilang ng mga customer na gumagamit ng LTE mula Mayo 2020 hanggang Enero 2021.

“We have been anticipating the decline in 3G users as more customers are realizing the benefits of using 4G LTE for better data experience and faster internet speed. This provides more value for money and better mobile experience if they are connected to our 4G LTE network,” pahayag ni Joel Agustin, Globe Senior Vice President for Program Delivery, Network Technical Group.

Idinagdag ni Agustin na sa paglipat ng bansa sa  ‘new normal’, marami pang  Globe customers ang gagamit ng 4G LTE technology para sa kanilang work from home, distance learning at iba pang kahingian.

Umaasa ang Globe na tataas pa ang 4G LTE volume usage sa patuloy nitong pagpapalawak sa 4G LTE network, kabilang ang mga liblib na lugar at iba pang strategic locations sa bansa.

Hinihikayat ng Globe ang mga nalalabi nitong customers na gumagamit pa rin ng 3G SIM cards na i-upgrade ito sa 5G-ready 4G LTE SIM cards.

Ang pag-upgrade sa 5G ready 4G LTE SIM card ay libre sa lahat ng Globe Stores. Gayundin ay mapananatili ng mga customer ang kanilang lumang numero. Para sa security reasons, ang mga customer ay pinapayuhang i-upgrade ang kanilang SIM cards sa lahat ng Globe Stores.  RNT


  •  
  •  
  •