GLORY DAYS NG CIDG ALAWS NA

GLORY DAYS NG CIDG ALAWS NA

July 5, 2022 @ 10:48 AM 1 month ago


SA dalawang dekada ko bilang reporter, ang police beat ang pinakamatagal kong coverage kaya nalibot ko ang lahat ng police district sa Metro Manila, at ang kasuluksulukan ng Camp Crame para maghanap ng balita.

Taong 80’s (alam niyan nga king mganakasabayang mamamahayag), ito ang panahon na ang police ay maituturing na major beat kaya noon ang balita na maririnig sa radio at mababasa sapahayagan karamihan ay  crime stories. Hindi gaya ngayon, noon malimit na headline sa broadsheet, lalo nasa tabloid ang balitang-pulis. Kundi shootout  na grupong robbery suspects ang patay,  kasong rape, holdap at iba pang krimen ang news na matutunghayan.

Noon, dama ang kompetisyon sa dyario, partikular ang tabloids kaya –  iskopan is the name of the game. Ang mahigpit na magkalaban ay ang aking dyario noon – Peoples Journal, Peoples Tonight, Evening News at Tempo. Dahil sa higpit ng labanan sa balita, kailangan mong dumiskarte para maka-scoop ka. Kailangan mong makipagkaibigan sa mga pulis, lalo na sa imbestigador at intelligence cops para sa magandang news.

Taon din ang binilang para makuha ko ang tiwala ng aking naging police news sources lalo na sa paborito kong tambayanan noon na operating unit sa Camp Crame – ang Criminal Investigation and Detection Group.

Sa lahat ng operating unit noon sa Integrated National Police (INP) na naging Philippine National Police (PNP) noong 1990’s, ang CIDG ang nangibabaw sa aking mga isinusulat na balita dahil sa malalaking accomplishment.

Noon, source rin ng balitaang iba pang operating unit tulad ng Highway Patrol Group (HPG), Narcotics Command at iba pang police units, pero ang CIDG  ang nagbigay sa akin ng maraming headline stories.

Noon, ang CIDG ay super active mag-operate, lalo na sa well-organized crimes. ‘Di tulad ngayon na sumobra yata ang katamaran ng namuNgayon, ang pinagkakaabalahan ng CIDG agents ay mag-alaga ng financier at operator ng iligal n asugalan at iba pang kailigalan kapalit ng tongpats.

Nagsimula na namang sumalakay ang COVID virus pero alam kaya ng liderato ni CIDG director Ely Cruz na isa sa tinutukoy ngayon na pinanggalingan ng covid  infections ay ang nagkalat na pergalan (perya at sugalan)?

Sa pergalan, ‘di maiiwasan na magkahawa-hawaan dahil kumpulan ang naglalaro ng iba’t ibang uri ng sugal na ino-offer nito s mga manlalaro kaya dapat dumistansya muna ang mga CIDG agent na may interest sa mga ito.

Sa buong Luzon, alam ng CIDG na ang pinakamalaking operators ng pergalan ay mga nagngangalang ‘Tessie’ at ‘Mely’na ang center ng operasyon ay sa Calabarzon area, ang AoR ni Brig. Gen. Antonio Yarra.

Pero bakit ‘di ginagalaw ng kapulisan, lalo ng CIDG ang operasyon ng dalawang iligalistang babaeng ito? Dahil ba sa  [email protected]#$%^&*()_+. Nakalulungkot dahil ang heydays ng CIDG ay naglaho na.

PNP OIC Lt. Gen. Vic Danao at Maj. Gen. Ely Ctuz, anyare mga sir?

Ito ang matagal nang problema sa kapulisan na dapat pagtunan din ng pansin ni incoming President Bongbong Marcos, para maibalik ang respeto sa mga pulis tulad noong panahon ng amang si  Apo Ferdinand Marcos, Sr.