‘Glowing outlook’ ng Goldman Sach para sa ekonomiya para sa Pinas sa 2022 tinukoy ni Digong

‘Glowing outlook’ ng Goldman Sach para sa ekonomiya para sa Pinas sa 2022 tinukoy ni Digong

December 7, 2021 @ 4:21 PM 10 months ago


Manila, Philippines – Kumpiyansa si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na makababawi ang ekonomiya ng bansa sa susunod na taon.

Utang na loob aniya ito sa “glowing outlook” na mayroon ang global investment banking firm Goldman Sachs para sa bansa.

Sinabi ni Pangulong Duterte na ayon sa Sachs, ang Pilipinas “is expected to be the strong economy in ASEAN by 2022”.

Ang ASEAN ay tumutukoy sa Association of Southeast Asian Nations, kung saan ang Pilipinas ay founding member.

“Well, that remains to be seen. We still have to worry about the coming Omicron and how it would impact on the population of the Philippines,” ayon sa Pangulo sa kanyang Talk to the People, Lunes ng gabi.

Tinutukoy ng Chief Executive ang bagong variant ng coronavirus disease (COVID-19) na unang natuklasan sa South Africa subalit sa ngayon ay nakita sa India at Hong Kong.

Isinara ng Pilipinas ang mga borders nito para sa piling African countries at hinigpitan ang mga byahero mula sa umiiral na Omicron cases.

Hindi aniya malinaw kung ang bagong variant ay mas nakahahawa at nakamamatay kaysa Delta variant at kung ito’y makakaiwas sa antibodies na produced ng COVID-19 vaccines.

Sinabi pa ni Pangulong Duterte na naniniwala ang financial analysts sa gross domestic product (GDP) ng bansa na tatama sa 7.1 percent na naitala sa third quarter ng 2021.

“But the confidence, at least, is there…Sana, sana kung pag-ano —Inshallah. This will be a good Christmas for everybody,” dagdag na pahayag nito.

“The Philippines has posted fewer than 700 new cases of COVID-19 for the eighth straight day on Monday as markets and establishments continue to operate at relatively high capacity amid the holiday season, which is traditionally the busiest and most profitable period for businesses in the country.” Kris Jose