GM Laylo kumpiyansa sa kanyang ASEAN Chess tourney campaign

GM Laylo kumpiyansa sa kanyang ASEAN Chess tourney campaign

February 17, 2023 @ 6:02 PM 1 month ago


MANILA – Nananatiling optimistiko si Grandmaster Darwin Laylo sa kanyang kampanya sa nagpapatuloy na AQ Prime ASEAN Chess Championship sa Great Eastern Hotel sa Quezon City.

Pagkatapos ng pitong round, ang reigning national champion ay nakatabla sa pangunguna kasama ang tournament top seed na sina GM Susanto Megaranto ng Indonesia, at Filipino International Master Paulo Bersamina na may 4.5 puntos.

“Sana ituloy ko ang momentum,” said the 42-year-old Laylo on Wednesday night. Ang kanyang laban kay IM Daniel Quizon ay nauwi sa isang tabla pagkatapos ng 10 galaw ng English Opening.

Si Laylo, ang reigning national champion, at si Quizon ay mga manlalaro ng Dasmariñas Chess Academy of Representative Elpidio Barzaga Jr. (Cavite 4th District).

Si Megaranto, ang blitz gold medalist sa 2019 Manila SEA Games, ay tumira sa 48-move draw ng Sicilian Defense kasama si IM Li Tian Yeoh ng Malaysia,

Nahati rin ang points ni Bersamina kay CM Khuong Duy Dau ng Vietnam matapos ang 160 moves ng Ruy Lopez Opening.

Tinalo ni GM John Paul Gomez ng Biñán, Laguna si FM Prin Laohawirapap ng Thailand upang mapanatili ang solong pangalawang puwesto na may 4.0 puntos. JC