GM ng ISELCO II idinawit sa pagpatay sa asawa ng judge sa Isabela

GM ng ISELCO II idinawit sa pagpatay sa asawa ng judge sa Isabela

May 30, 2022 @ 3:47 PM 4 weeks ago


ILAGAN CITY, ISABELA – Matapos maaresto ng kapulisan ang dalawang magpinsan na pumatay o gunman sa pagpatay sa internal audit manager ng Isabela Electric Cooperative (ISELCO) II na asawa ng judge na ang mismong General Manager at Board of Director ng nasabing kooperatiba.

Ayon kay PCol Julio Go, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office (IPPO) na maituturing nang case solved ang pagpatay kay Ginang Agnes Palce, internal audit manager ng ISELCO II at asawa ng isang hukom.

Matatandaang pauwi na si Ginang Palce noong hapon ng May 25, 2022 sakay ng isang Toyota Innova nang pagbabarilin ng riding-in-tandem suspect sa harapan ng isang gasolinahan sa Barangay San Felipe dito sa nasabing lungsod.

Dahil dito, tuluyan ng sinampahan na ng kasong murder ang gunman na si Barry Bulan, 43 anyos at pinsan na si Jervy Bulan, 36 anyos, kapwa residente ng Calamagui 1st, City of Ilagan.

Kasamang kinasuhan sina General Manager David Solomon Siquian at Board of Director na si Michael Paguirigan, 59 anyos tiyuhin ni Barry Bulan.

Batay sa extra-judicial confession ng gunman, ang nag-utos umano na patayin si Ginang Palce ay sina Siquian at Paguirigan.

Lumalabas na may kinalaman sa trabaho ang motibo ng pagpaslang.

Samantala, tikom pa rin ang bibig ni General Manager Siquian na sa korte na lamang umano niya sasagutin ang akosasyon at paratang laban sa kanya. Rey Velasco