GMA executive, nagsalita sa Sarah G issue!

GMA executive, nagsalita sa Sarah G issue!

August 2, 2022 @ 11:00 AM 2 weeks ago


Manila, Philippines- Hanggang ngayon ay hindi pa rin namamatay ang isyung may project na inalok ang GMA7 kay Sarah Geronimo. Ang sabi pa, hindi lang daw nagustuhan ni Sarah G. ang offer bukod sa hindi nagkasundo sa presyo kaya hindi natuloy ang sinasabing lipatan.

Sa ngayon ay nagsalita na ang isa sa mga executives ng Kapuso, ang Senior Vice President for GMA Entertainment Group na si Lilibeth Resonable.

Aniya, “Ang tagal na rin naming nadidinig iyan but no, wala kaming offer kay Sarah G.”

Sa tinuran ni Ms. Lilibeth ay maliliwanagan na ang lahat na walang katotohanan na may offer ang GMA7 kay Sarah G.

As of now ay bumalik na si Sarah G sa ASAP Natin ‘To kaya sana ay maging malinaw na ang lahat.

Ang tanong ngayon ay kung totoo ba na ang asawa ni Sarah G na si Matteo Guidicelli ang papasok sa Kapuso network? Noel Asinas