GMA, ilalabas na ang dahilan ng hiwalayang Chiz-Heart?

GMA, ilalabas na ang dahilan ng hiwalayang Chiz-Heart?

September 8, 2022 @ 3:24 PM 3 weeks ago


Manila, Philippines – Isa sa mga araw na ito’y tutuldukan na raw ng GMA ang mga ispekulasyon kaugnay ng balitang paghihiwalay nina Heart Evangelista at Senator Chiz Escudero.

Si Heart ay may kontrata pa sa naturang network which feels obligated to step into the case involving her rumored separation from her lawmaker-husband.

Kung matatandaan, naging maagap din ang GMA which released an official statement nang magkahiwalay sina Carla Abellana at Tom Rodriguez.

Kapwq mga Kapuso stars sina Carla at Tom.

With regards to Heart and Chiz, ang paglabas ng GMA ng statement ukol sa kanilang hiwalayan ay para bigyang linaw ang mga ispekulasyon.

Ayon sa isang reliable source, naging maayos naman daw ang paghihiwalay ng dalawa.

Sinasabing ang dahilan sa likod ng kanilang paghihiwalay ay age gap.

Thirty seven years old si Heart samantalang 52 taong gulang si Chiz.

May 15-year difference o agwat sa kanilang edad.

Hindi naman sang-ayon ang ilan sa sinasabing generation gap pointing to the successful marriage between Bossing Vic Sotto and Pauleen Luna.

Bagama’t malaki ang maitutulong ng official statement mula sa GMA, iba pa rin kung mismong kay Heart manggagaling what went wrong with her marriage to Chiz. Ronnie Carrasco III