GMA kinilig nang sabihang “secret weapon” ni PBBM

GMA kinilig nang sabihang “secret weapon” ni PBBM

November 24, 2022 @ 11:41 AM 5 days ago


MANILA, Philippines – “Am flattered”

Ito ang nakangiting pahayag ni House Senior Deputy Speaker Gloria Macapagal Arroyo nang hingan ng reaksyon matapos syang isalarawan bilang “secret weapon” ni Pangulong Bongbong Marcos sa katatapos na 29th APEC Summit sa Thailand.

Ayon kay Arroyo isang karangalan para sa kanya ang makatulong sa administrasyon.

“am very flattered and anything I can do to help is an honorable thing”pahayag ni Arroyo.

Gayunpaman nilinaw ng dating Pangulo at ngayon isa nang kongresista, na hindi sya nagbibigay ng unsolicited advice maliban na lamang kung hihingan sya ng payo.

Una nang sinabi ni Pangulong Marcos na isang “asset” sa kanyang delegasyon si Arroyo dahil karamihan sa mga world leaders na dumalo sa APEC Summit sa Bangkok ay kilala ang dating Pangulo.

“I’m calling her secret weapon because I am the newbie here. I am the new leader so whenever she walks in the meeting, when other leaders see her, they recognize her as their good friend. That makes the discussion easier”nauna nang pahayag ni Marcos.

Noon pa man ay nakasuporta na si Arroyo kay Marcos sa pamamagitan ng pagbibigay ng advise , sa naging pagkikita nito kay Chinese President Xi Jinping ay kasama din si Arroyo at una na din itong tinuring ni House Speaker Martin Romualdez na “big asset” ng administrasyon.

“PGMA is definitely a big asset. Her reputation, her track record needs no introduction to anyone. Her advice, her counsel to President Marcos right now is valuable,” pahayag ni Romualdez. Gail Mendoza