GMA nagpaubaya na kay Romualdez sa Speakership

GMA nagpaubaya na kay Romualdez sa Speakership

May 14, 2022 @ 9:08 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Ipinauubaya na ni dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo ang speakership kay House Majority Leader Ferdinand Martin Romualdez.

Sa kaniyang pahayag bilang chair emeritus ng Lakas-CMD Party ay sinabi ni GMA na buo ang suporta niya kay Romualdez bilang susunod na speaker ng 19th Congress.

“I would therefore like to advise the members of the Lakas-CMD that I am throwing my support for Majority Leader Martin Romualdez to be elected as House Speaker in the next Congress.”

Sinabi pa ni GMA na dekada na ang binilang mula nang maging magkatuwang sila ni Romualdez sa pagsisilbi sa mga Pilipino.

“Majority Leader Martin Romualdez and I have been working together for decades in a joint effort to do our best to serve the Filipino people. Since 2010, our partnership involved our service as fellow members of the House of Representatives. I will be returning to the House on June 30, 2022,” ani GMA.

Dahil dito muling hinikayat ng dating pangulo ang mga kasamahan sa partido na ibigay ang suporta kay Romualdez bilang speaker ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.

“I urge all members of our party to do the same.”

Kahapon ay sinabi ni Albay Rep. Joey Salceda ang paglutang ng pangalan nina GMA at Romualdez sa mga aniya’y malaki ang posibilidad ng mga pagpipilian sa speakership. Meliza Maluntag